Miyerkules, Setyembre 28, 2011

SI JUAN AT ANG RAP

"Rap to express not to impress"

Isang kasabihang nagmulat sa akin upang ipahayag sa pagtula ang mga iba’t-ibang diwa ng buhay ngunit huwag magmayabang gamit ang pag-tula, o ang tinatawag na Rap. Labing-isang taon ako noon nung nakahiligan ko ang sumulat at gumawa ng isang musikang yumakap sa akin na sa pagkakaalam ko’y regalo mula sa itaas ni bathala. Sa paglakad ko noong una, nasabi ko sa sarili kong madali lang ito, kaya kong abutin ang tugatog gamit ang mga komposisyon ko. Ngunit hindi naging madali, sa dami ng mga  katulad kong may pangarap sa kulturang ‘to naging mapusok ang daan tungo doon; hanggang ngayon.


BUHAY MAKATA:

            *Sa una, wala kang maiisip kundi, magsulat, mag”record”, magpasa ng kanta.  Ito ay dahil iniisip mong lahat ng mga taong makakarinig ng RAP mo ay magugustuhan nila, pero sa totoo may mga napilitan lang. Malalaman mong gusto ng tao ang musika mo kung, sa bawat maririnig nila ang awit mo e, kinakanta at sinasabayan nila ang bawat tugma nito.
            *Insecure ka sa ibang grupo, masasabi mong “mas magaling ako jan” , “ang pangit ng kanta nila”, pero wala ka pa namang nararating. Na kung tutuusin ang mga grupo o mga MAKATA/RAPPER na pinupuna mo e, mas nakakataas pa at may mas marami pang narating kaya sa’yo. May magiging pagkakataong iisipin mong “KAKUMPITENSYA” at hindi “KAGRUPO” ang mga kasama mo, dahil sa inggit. Na kung tutuusin, ang kanta niya, kanta mo rin, ang panalo niya panalo mo rin, at kung talo ka, eh talo rin niya yun, kasi iisa lang kayo at ang itinatayo niyong pangngalan ay iyong pangngalan ng “GRUPO” niyo. Sa panahong ito nagiging makasarili ka na. Nagiging maprinsipyo, samakatuwid, “LUMALAKI NA ANG ULO MO”
            *’di maglalaon, maiisip mong mahirap pala, magiging desperado ka na. ang masaklap nito, gagamitin mo ang iba sa pagsikat mo. Babanatan mo iyong mas mataas sa’yo, sisiraan mo ang iba para mas umangat ka. Maninira ka ng dignidad ng iba, para sa dignidad mo o para sa dignidad ng mga kagrupo mo.
            *Masasanay ka sa sistema. Maiisip mo ang mali sa tama. Ito yung matatawag kong “MATURITY STAGE” mo bilang rapper/makata. Magsisilbi itong pagmulat sa iyo na hindi mo kailangan ng iba at sa totoo lang naman eh nakapaliit ng posibilidad na sumikat. Dito mo maiisip na ang pagsulat at ang magustuhan ng tao ang mga obrang ginawa mo ay mas matimbang pa sa kahit anong bagay maging simpleng “PAGKILALA” man yan o ang “PAGSIKAT”. Maiisip mong mas masarap lumikha at kumanta o mag-rap kung wala kang natatapakang tao. To cut this short, “HINDI MO KAILANGANG MANIRA NG DIGNIDAD PARA UMANGAT”


MGA PEKENG SISITEMA:

·        Iba magrarap para sumikat! “LAOS”
·        Iba magrarap ng BANAT, para maghasik sa may mikropono! “YABANG”
·        Iba naman magpapa”Gig” performer ka na nga, Magbabayad ka pa rin “GAHAMAN”
·        Iba maninira kahit walang basehan! “INGGIT”
·        Ang iba tinulungan mo na, niyabangan ka pa! hindi marunong lumingon. “NA-STEEF NECK”
·        Iba ipagyayabang nilang Makata sila, pero hindi naman nila sulat yung nilalapat nila. Tapos wala pa silang abiso sa may akda! “KLEPTO”
·        Atbp “SPEECHLESS” na.

1 komento: